Friday, May 17, 2024

Water sharing sa pagitan ng Maynilad at Manila Water plantsado na

- Advertisement -

Plantsado na ang water sharing sa pagitan ng Maynilad at Manila Water.

Dahil dito, makakaagapay na ang Manila Water sa pagsusuplay ng tubig sa kanilang mga consumer.

Ayon kay Manila Water Co. Corporate Communications Head Jeric Sevilla, magkakaroon lamang ng ilang mga technical adjustments para sa nasabing water sharing.

Bibigyan aniya ng Maynilad ang Manila Water ng aabot sa limampung (50) milyong litrong tubig kada araw.

Una rito, sinabi ng Manila Water Co. na posibleng umabot pa hanggang Hunyo ang kakapusan ng suplay ng kanilang tubig para sa mga consumer dahil sa mababang water level sa La Mesa dam.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -