Friday, May 17, 2024

Water service interruptions ng Manila Water magtutuloy-tuloy pa rin

- Advertisement -

Magpapatuloy pa rin ang service interruption sa ilang mga lugar na siniserbisyuhan ng Manila Water.

Ito ang inihayag ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS Administrator Reynaldo Velasco, bagama’t naibalik na ng Manila Water ang supply ng tubig sa halos siyamnapung (90) porsyento ng kanilang mga costumers.

Ayon kay Velasco, staggered o utay-utay pa ang pagbabalik ng serbisyo ng Manila Water kaya patuloy paring makakaranas ng apat (4) hanggang labing dalawang (12) oras na walang supply ng tubig ang ilang mga consumer nito.

Bukod dito, sinabi ni Velasco, hindi pa na-aactivate ng Manila Water ang lahat ng mga maaaring mapagkunan nila ng supply tulad ng mga deep well.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -