K-9 dogs ikakalat kontra mga karneng kontaminado ng African swine virus

0
42

Gagamit na ng mga K-9 units ang Department of Agriculture (DA) para sa mas mahigpit na pagbabantay laban sa pagpasok ng mga karne ng baboy na posibleng kontaminado ng African swine fever virus sa bansa.

Ayon sa DA, mas madaling matutukoy ang mga kargamentong naglalaman ng karne ng baboy at iba pang processed meat products kung gagamitan ng mga K-9 o bomb sniffing dogs.

Ilalagay anila ang mga nasabing K-9 dogs sa mga paliparan at iba pang port of entry sa buong bansa.

Una nang naghigpit ang DA sa pagpapapasok ng mga imported na karneng baboy at ibang pang pork products bunsod ng kumakalat na African swine fever sa ibang bansa.

—-