Friday, May 3, 2024

Ground breaking para sa bagong gusali ng Senado umarangkada na

- Advertisement -

Inaasahang masisimulan na ngayong taon ang konstruksyon ng bagong gusali ng Senado sa Philippine Navy Village sa harapan ng Fort Bonifacio sa Taguig City.

Kasunod ito ng pormal na ground breaking ceremony para sa bagong gusali sa pangunguna ni Senate President Tito Sotto III kaninang umaga.

Batay sa resolusyon ni Senate Committee on Accounts Chairman Panfilo Lacson, itinatakda ang pagiging independiyente ng Senado bilang isang institusyon mula sa kasalukuyang pangungupahan nito sa gusali ng GSIS sa PICC Compound sa Pasay.

Nagkakahalaga ng apat at kalahating bilyong piso ang magiging bagong gusali ng Senado na may modernong disensyo mula sa konsepto ng Aecom Philippines na siya namang nagwagi sa conceptual design competition noong isang taon.

Inaasahan namang matatapos ang nabanggit na gusali sa 2021 kung saan target ng Senado na buksan dito ang ikatlong regular session sa ilalim ng ika-labing walong Kongreso.

(Ulat ni Jaymark Dagala)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img