31.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Water service interruption sinimulan nang ipatupad ng Maynilad

- Advertisement -

Nagsimula nang magpatupad ng water service interruption at pagbabawas ng pressure ang Maynilad.

Kasunod ito ng naranasang problema sa supply ng tubig ng Manila Water gayundin ng tumataas na demand ngayong panahon ng tag-init.

Sa abiso ng Maynilad, maaapektuhan ng water service interruption ang ilang lugar sa Quezon City, Caloocan at Valenzuela.

Dagdag ng Maynilad, Abril 5 pa nang kanilang sinimulan ang pagbabawas sa water pressure tuwing hatinggabi para hindi na rin gaanong makaapekto sa kanilang mga customers.

Samantala tiniyak naman ng Maynilad na sapat pa nakukuha nilang supply ng tubig sa Angat dam at hindi rin bababa ang lebel ng tubig sa kanilang Bagbag Reservoir.

Wala rin anilang epekto ang pagbibigay nilang tubig sa Manila Water.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -