Water level sa La Mesa Dam nabawasan pa

0
43

Nabawasan pa ang water level sa La Mesa Dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Flood Forecasting and Warning Section, alas 6:00 kaninang umaga ay naitala sa 68.85 meters ang water level sa La Mesa Dam na mas mababa kumpara sa 68.93 meters sa parehong oras kahapon.

Ang Angat Dam naman na nagsu supply din ng tubig sa La Mesa Dam ay nasa 200.28 meters ang water level.

Bahagya itong bumaba mula sa 200.59 meters kahapon subalit malayo pa sa low level.