Water level sa ilang mga dams nabawasan

0
15

Nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa PAGASA Hydrology, bumagsak sa 187.76 na metro ang water level kaninang ala sais ng umaga kung saan malayo ito sa normal na lebel ng tubig na nasa 210 metro.

Bumaba rin ang antas ng tubig sa Ambuklao, San Roque at Magat dams.

Gayunman, hindi naman nagbabago ang antas sa Ipo at La Mesa dam na nasa 100.59 na metro at 77.58 metro.

Samantala, tumaas naman ang water level sa Caliraya, Pantabangan at maging sa Binga dams.