Water level sa Angat, La Mesa dams tumaas — PAGASA Hydrology

0
46

Patuloy na tumataas ang antas ng tubig sa Angat dam.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrology Division, suumampa na sa 182.42 meters kaninang 6:00AM ang water level ng Angat, nadagdagan ito ng 0.26 meters sa nakalipas ng 24-oras, mula sa 182.16 meters nito kahapon.

Nadagdagan din ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.23 meters.

Kapwa nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ambuklao at Pantabangan dams.

Samantala, bahagya namang nabawasan ang water level sa Ipo Dam na nasa 100.90 meters ngayon.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa Binga, San Roque, Magat at Caliraya dams.