Water level sa Angat at La Mesa dam tumaas

0
39

Halos isang metro ang naidagdag na tubig sa Angat Dam sa nakalipas na magdamag.

Mula sa mahigit 160 meters kahapon, nasa 161.08 na ngayon ang lebel ng tubig sa Angat.

Tumaas rin ang lebel ng tubig sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.35 meters na.

Ilan pa sa mga dams na nakapagtala ng mas mataas na lebel ng tubig ang Ambuklao, Binga, San Roque at Pantabangan dams.

Samantala, nabawasan naman ang lebel ng tubig sa Ipo, Maga at Caliraya dams.