33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Water concessionaires bibigyan ng panahon para magkomento sa bagong kontrata ng pamahalaan — Guevarra

- Advertisement -

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na magiging last option lamang ng Duterte Administration ang pag-take over sa distribusyon ng tubig sa National Capital Region (NCR) at ilang karatig lugar.

Iginiit ito ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa harap ng banta ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Manila Water at Maynilad Water Services na nationalization ng water distribution tulad ng nasasaad sa konstitusyon.

Sinabi ni Guevarra na bibigyan nila ng sapat na panahon ang water concessionaires para magbigay ng komento sa bagong kontrata na alok ng pamahalaan.

Hindi rin aniya ipagpipilitan ng pamahalaan sa Manila Water at Maynilad na tanggapin ang bagong kontrata.

Ayon kay Guevarra, tinanggal nila sa bagong kontrata ang mga probisyon na talong talo ang pamahalaan at ang consumers.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -