Warehouse ng mga pekeng gamot sinalakay sa Tondo, Maynila

0
51

Isang bahay na nagsisilbing warehouse ng mga pekeng gamot ang sinalakay ng mga otoridad sa Tondo, Maynila, kagabi.

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Food and Drug Administration-Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Anti-fraud and Computer Crimes sa orion street.

Ayon kay Atty. Guillermo Dalipog ng FDA-REU, kabilang sa mga nasabat ang mga pinekeng tablet at capsule na gawa ng Unilab, Sanofi at Pfizer na karaniwang pine-prescribe para sa lagnat, ubo at sipon.

Nakatanggap aniya sila ng mga reklamo kaugnay sa mga pekeng gamot na sa halip na magpa-galing ay lumala pa ang sakit ng mga bumili.

Kinilala naman ng FDA ang may-ari ng bahay na si Alex Asistio na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 8203 o special law in counterfeit drugs.