War on drugs naging matagumpay sa ikatlong taon ni Pangulong Duterte — PNP

0
50

Itinuturing ng PNP o Philippine National Police na naging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan sa ikatlong taon ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay ayon kay PNO Chief Police General Oscar Albayalde, bagama’t aminado siyang marami pa silang dapat gawin para lubos na mapagtagumpayan ang pagpuksa sa iligal na droga.

Paliwanag ni Albayalde, isa sa naging daan dito ang pagtiyak sa peace and order situation at pinaigting na operasyon ng pulisya sa buong bansa.

Kaugnay nito, tiniyak ni Albayalde na gagawin nila ang lahat para maiparamdam sa mga Pilipino ang mapayapa at maayos na Pilipinas.

(with report from Jaymark Dagala)