War on drugs mas magiging madugo at marahas — Duterte

0
58

Posibleng maging mas madugo at marahas ang giyera kontra droga ng gobyerno.

Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng mga batikos sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

Sa kanyang talumpati sa 2017 Presidential Award for Child-Friendly Municipalities and Cities sa Malakanyang, inihayag ng pangulo na ang kanyang mga kritiko lalo ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon sa war on drugs.

“That is the only hope to do it then. If you have to die, so be it you die. After all we should be in heaven. Sabihin nila na may nakitang nakabulagta then they would just assume that an extrajudicial killing (EJK). Inaadmit na nga ni Albayalde na 4,000 plus and that is the figure which I am bound. Because that is trabaho of my tao ko…pulis ko yan eh. So, I have to admit what they say to me.” Pahayag ni Duterte.

Kabilang sa muling binanatan ni Pangulong Duterte ang Simbahang Katolika at special mention ang mga pari at obispong bumabatikos umano sa kanyang mga hakbang at polisiya.

“Ganun na nga 70,000. What if 70,000 they do not explain? Where did it happen? What was the cause? Whether its drugs or outright killing. Tapos sabihin mo, how? Was he kneeling down or was he shot? Wala sinabi lang patay.” Ani Duterte.