28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Walong biktima ng pagsabog ng IED, binisita ng Reg. Director ng PRO XII

- Advertisement -

Binisita kahapon ng Regional Director ng Police Regional Director 12 Police Chief Supt. Eliseo Rasco ang walong indibidwal na naging biktima ng pagpapasabog ng improvised explosive device na iniwan sa harap ng isang lying in sa Purok Malipayon, National Highway Barangay Apopong General Santos City alas 11:50 ng umaga noong linggo.

Kasalukuyang nakaconfine ang mga biktima sa isang pribadong ospital sa lungsod kung saan inihayag ng opisyal na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya na madakip ang mga taong nasa likod ng pagpapasabog. Napag-alaman na ang mga biktima ay parehong nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan matapos tinamaan ng shrapnels.

Kinilala ang mga natamaan na sina Marlon Yadao Orabia, 30, resident of Brgy. Apopong, General Santos City; Jeslly Yvonne Guyos, 19, Polomolok, South Cotabato; Joana Bliss Alipio, 6 years old, Glamang, Polomolok, South Cotabato; Felipa Abella Regidor, 64, Apopong General Santos City; Lally Jean Alipio, 34, Polomolok, South Cotabato; John LenonCalong, 22, Sultan Kudarat; Claire Uozoia, 24, Koronadal City; Anthony Faller, 24, Polomolok, South Cotabato.

Sa ngayon nagsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Special Task Group Bonita ito ay upang tuluyan ng madakip ang mga responsable ng pagpapasabog, samantala magsasagawa rin ng joint coordination sa lahat ng mga unit ng PRO 12 at AFP ito ang naging pahayag ng Regional Director ng PRO 12.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -