Saturday, May 18, 2024

Walang Pinoy na nadamay sa nagliyab na eroplano sa Russia — DFA

- Advertisement -

Walang Pilipino ang nadamay sa nasunog na eroplano sa paliparan sa Moscow, Russia.

Ito ang tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA), batay na rin sa natanggap nilang ulat mula sa embahada ng Pilipinas sa Moscow.

Kanilang nabatid na walang Pilipino ang kasama sa 76 na pasahero ng nasunog na Aeroflot plane.

Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang DFA sa mga biktima ng nasunog na eroplano.

Magugunitang nagliyab habang nasa himpapawid ang nasabing eroplano na nagawang makapag-emergency landing sa Moscow airport.

Sa pinakahuling ulat, 41 ang nasawi sa insidente, 14 sa mga sugatan ang nakalabas na ospital habang 9 pang iba ang naka-confine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -