Walang mangyayaring joint investigation sa Recto Bank incident – DFA sec

0
43

Walang mangyayaring joint investigation sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng insidente sa Recto Bank.

Laman ito ng tweet ni Foreign Affairs secretary Teddy Boy Locsin bilang reaksyon sa mungkahi ng isang analyst na dapat payagan ng China na ma-interview ng mga kinatawan ng Pilipinas ang crew o mangingisda ng sangkot na Chinese vessel.

Sinabi ni Locsin sa kanyang tweet na magkakaroon ng kanya-kanyang imbestigasyon ang Pilipinas at ang China.

Una nang iminungkahi ng China ang joint investigation na agad namang winelcome ng Pangulong Rodrigo Duterte.