Friday, May 3, 2024

Walang mandatory drug test sa mga estudyante—Briones

- Advertisement -

Walang isasagawang mandatory drug test sa mga estudyante sa Grade 4 pataas hangga’t walang batas hinggil dito.

Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones dahil malinaw ang batas na tanging ang mga mag-aaral sa high school at kolehiyo lamang ang isasalang sa random drug testing.

Sinabi ni Briones na tiyak na mahaharap din ang Department of Education (DepEd) sa aniya’y administrative challenges sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Sa public schools pa lamang, ipinabatid ni Briones na masasakop ng posibleng mandatory drug test ang tinatayang labing apat (14) na milyong Grade 4 hanggang Grade 12 students.

Tinukoy pa ni Briones ang data privacy law at mga panganib nang paghawak sa mga sensitibong impormasyon.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img