Walang Mafia Ang Makatatagal Sa Philhealth

0
69

“Walang mafia ang makatatagal sa Philippine Health Insurance Corporation  (PhilHealth) sa Ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.” Ang natatawang sagot nI PhilHealth acting president at CEO, Roy Ferrer sa ikinatatakot ng isang empleyado ng PhilHealth na diumano ay natatakot sa mafia sa korporasyon. Pinangalanan ni Dr. Ferrer ang diumano’y nagpakakalat ng takot sa mga empleyado ng PhilHealth na isang staff ng dating Health Secretary sa panahon ng manunungkulan ni dating pangulong Benigno Aquino, na si Minguita Padilla. Ayon kay Ferrer, ibahin dapat ang panahon ng panunungkulan sa panahon ni Aquino at sa kasalukuyang administrasyon. Wala na umanong dapat ikatakot sa PhilHealth ngayon dahil wala na ang mafia na nabuo sa nakaraang administrasyon.

Matatandaan na naglabas ang isang TV network ng pahayag ng pangulo na nagsasabing walang duda ang pangulo sa kasalukuyang administrasyon ng PhilHealth. Ito ay sa kalagitnaan nga kontrabersiyang kinahaharap patungkol sa maling pagamit at pag-abuso sa mga benipisyo ng PhilHealth ng mga health care center.  Kompyansa PhilHealth acting president and CEO Dr. Roy Ferrer na walang tiwali sa mga myembro ng bagong board na itinalaga ni Pangulong Duterte. Handa umanong manindigan ang mga naitalagang board member para sa prinsipyo ng Pangulo at walang titiklop sa mithiing malinis ang PhilHealth sa katiwalian.

Leave a Reply