Walang loose firearms ang Mindanao — MILF

0
13

Iginiit ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na walang ibang pinagmumulan ng loose firearms ang Mindanao kundi sa mismong militar ng bansa.

Ayon kay MILF Chairman Al Hajj Murad Ebrahim, nasa militar na ito kung magiging strikto o hihigpitan ang pag kontrol sa mga armas.

Dagdag pa ni Murad, kailangang bigyan ng sapat na seguridad ang nasabing lugar upang hindi mapilitang gumamit ng armas ang mga tao.