30 C
Manila
Saturday, April 13, 2024

Walang inaamin ang pangulo na nakagawa siya ng EJK —- Roque

- Advertisement -

Muling nagpaliwanag si Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin ng extra judicial killings.

Ayon kay Roque, walang inaamin ang pangulo na nakagawa siya ng EJK taliwas sa naging interpretasyon ng marami sa naging talumpati ng pangulo noong Huwebes.

Sinabi ni Roque na binigyang diin lamang sa pahayag ng pangulo na hindi siya nasangkot sa pagnanakaw sa gobyerno at tanging ibinabato sa kaniya ay EJK kaugnay sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Dismayado aniya ang pangulo na may namamatay dahil sa kampanya kontra iligal na droga subalit wala umanong direktang kinalaman sa operasyon ang mga pulis.

Una nang inihayag ng mga kritiko ng pangulo na gagamitin nila ang naturang pahayag nito para manapagot siya sa mga nasawi sa war on drugs ng gobyerno.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -