VP Robredo tutungo sa US at Canada para dumalo sa serye ng programa sa naturang mga bansa

0
41

Patungo si Vice President Leni Robredo sa Estados Unidos at Canada para dumalo sa serye ng programa sa naturang mga bansa.

Inaasahang darating ang bise presidente sa Maryland sa Amerika sa Setyembre 1 para pangunahan ang isang charity ball na inorganisa ng angat buhay na partner ng kanyang tanggapan at Ancop Foundation USA Incorporated.

Magtutungo naman sa Canada si Robredo sa Setyembre 5 para sa kanyang opening address sa 13th edition ng Toronto global forum sa Ontario.

Balik Amerika si Robredo sa Setyembre 8 para sa event naman ng mga alumni ng University of the Philippines sa Los Angeles para sa 2019 installation ceremony and endowment fund raising gala at iba pa.