35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

VP Robredo nakiramay sa pamilya ng Iloilo-Guimaras tragedy victims

- Advertisement -

Personal na binisita ni Vice President Leni Robredo ang survivor at pamilya ng mga nasawi sa paglubog ng bangka sa Iloilo-Guimaras Strait noong Agosto 3.

Nakiramay si Robredo sa lamay ng siyam (9) sa 31 mangingisdang nasawi sa bahagi ng Barangay De Leon sa Mandurriao District.

Ayon sa pangalawang pangulo, alam niya ang hirap at sakit na pinagdadaanan ng mga kaanak at mga nakaligtas gaya ng kanyang naranasang trauma nang mawala ang kanyang asawang si DILG Secretary Jesse Robredo sa isang plane crash noong 2012.

Samantala, umapela naman si Robredo na tanggalin na ang suspensiyon sa pagbabyahe ng mga pump boat sa lugar dahil tanging roro at fast craft lamang ang nagbabyahe dito na masyado namang mahal para sa mga residente sa lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -