36.4 C
Manila
Friday, April 26, 2024

VP Robredo nakahanda nang tumulong sa kampanya kontra illegal drugs

- Advertisement -

Nakahanda si Vice President Leni Robredo na tumulong sa kampanya ng pamahalaan kontra illegal drugs.

Tugon ito ni Atty. Barry Gutierrez, tigapagsalita ni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik niya sa gabinete ang pangalawang pangulo upang gawing drug czar.

Ayon kay Gutierrez, hihintayin pa rin nila ang pormal na kasulatan hinggil sa alok ng pangulo.

Nangangamba anya si Robredo na baka magamit lamang siyang panakip butas at buntunan ng sisi sa kabiguan ng administrasyon na masunod ang pangakong susugpuin ang problema ng bansa sa illegal drugs.

‘’Kumbaga sa basketball, diba, 4 quarters ka na halos naglalaro, last 2 minutes naglalaro si Pangulong Duterte, patalo na yung iyong game, biglang ipapasa niya kay VP Leni tapos pag natalo, siya ang may kasalanan. Eh tama ba naman yun? ’’ ani Atty. Gutierrez.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -