31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

VP Robredo nais paimbistigahan ang libu-libong kaso nang pagpatay sa ilalim ng ‘drug war’ ng pamahalaan

- Advertisement -

Nais paimbistigahan ni Vice President Leni Robredo ang libu-libo pang kaso nang pagpatay sa ilalim ng “drug war” ng Duterte administration.

Ito ay kasunod nang pagpataw ng “guilty’ ng Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sa tatlong pulis na responsible sa pagkamatay ng disi-siete anyos na si Kian delos Santos.

Dagdag pa ni Robredo, hindi nararapat na tanggapin na lamang ang madalas na rason ng ginagamit ng mga pulis kung saan sinasabi ng mga ito na ‘nanlaban’ ang mga drug suspect.

Samantala, pinaalala rin ni Robredo na kailangang sundin ang itinakda ng saligang batas sa pagpapatupad ng war on drugs, upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga pang-aabuso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -