VP Robredo makikipagpulong sa ilang opisyal ng U.S Embassy kaugnay sa war on drugs

0
11

Makikipag pulong si Vice President Leni Robredo sa ilang opisyal ng U.S Embassy kaugnay sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga.

Ayon kay Robredo, nais niyang malaman sa pulong na gagawin ngayong umaga kung anong tulong ang maaaring ibigay ng Amerika sa mga lokal na ahensya ng gobyerno para sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

Magugunitang inihayag ni Robredo na nag alok ng tulong si U.S Ambassador to the Philippines Sung Kim pagdating sa intelligence gathering para sa war on drugs campaign.