Friday, May 3, 2024

VP Robredo ‘di na kailangang sabihan pa na sibak na siya bilang ICAD co-chair — PACC Comm.

- Advertisement -

“Hindi na kinakailangang sabihin pa na sibak na siya sa puwesto.”

Ito ang ipinahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Luna, ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Robredo na hindi niya ito pinagkakatiwalaan ay malinaw na hindi na ito epektibo sa kanyang pagkakatalaga sa Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Aniya, ang kanyang pinasok na posisyon ay hindi pang cabinet rank position at hindi dapat na inialok o tinanggap ng isang bise presidente.

Gayunman, una nang sinabi ni Robredo na dapat na direktahin na siya ng pangulo kung ayaw na nitong manilbihan ang bise presidente bilang co-chairman ng ICAD.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img