VP Leni Robredo hindi makikibahagi sa RevGov

0
18

Umapela si Vice President Leni Robredo na tantanan na siya at huwag idamay sa usapin ng pagsusulong ng revolutionary government (RevGov).

Ito’y makaraang kumpirmahin ni Robredo na hinihikayat siya ng grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) para mamuno sa isinusulong nilang RevGov.

Sa kaniyang lingguhang programa sa radyo, iginiit ni Robredo na malinaw ang kaniyang panunumpa nuong siya’y naupo sa puwesto na maging tapat, itataguyod at ipagtatanggol ang saligang batas

Pabiro pang sinabi ng pangalawang pangulo na siya ang constitutional successor at hindi unconstitutional o extra-constitutional.

Magugunitang dumistansya mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na revgov ng grupo at itinangging kilala niya ang mga taong nasa likod nito.