Voter registration patuloy sa kabila ng COVID-19 —COMELEC

0
31

Tuluy-tuloy ang voters registration para sa eleksyon sa 2022 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ito, ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ay sa kabila ng banta ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sinabi ni COMELEC commissioner Rowena Guanzon, commissioner-in-charge ng COMELEC office for overseas voting, wala pang plano ang COMELEC na kanselahin ang voter’s registration para sa mga Pilipino sa ibayong dagat.

Sa katunayan, hinihimok pa nila aniya ang mga Pinoy sa ibang bansa na magparehistro na upang makaboto sa halalan.

Inihayag pa ni Guanzon, tiwala silang makakamit ang target na 2-milyong registered overseas voters para sa May 2022 elections at ito ay mas mataas sa 1.3-million Pinoy voters abroad.

Para makapag parehistro, kailangan lamang na magtungo sa mga designated registration center sa mga bansang naroroon ang mga Pilipino.

Samantala, ipinabatid ni Guanzon na bukas, March 5, ay makikipagpulong sila sa Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa tinatawag na joint planning workshop kaugnay sa eleksyon sa 2022.