Voter registration ipagpapatuloy na sa September 1 —Comelec

0
9

Bubuksan nang muli ng Comission on Elections (Comelec)  ang voter’s registration sa buong bansa simula Setyembre a-1.

Gayunman, maliban ito sa mga lugar na nasa ilalim pa rin ng enhanced community quarantine (ECQ) at mofified (ECQ).

Ayon sa Comelec, gaganapin ang registration ng mga botante, Martes hanggang Sabado, kabilang ang mga holidays, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon sa Office of the Election officer.

Kinakailangan namang mahigpit na sundin ng mga magpaparehistro ang pagsusuot ng face mask at face shield.

May nakalaan din anilang express lane para sa mga persons with disability (PWD)’s, senior citizen at mga buntis.