Vlogger na si Emman Nimedez pumanaw na

0
28

Pumanaw na ang sikat na vlogger na si Emman Nimedez matapos ang pakikipaglaban nito sa sakit na acute myeloid leukemia.

Batay sa pahayag ng girlfriend nito na si Peachy Santos na ipinost sa facebook page ni Nimedez, ganap na ala-una ng madaling araw kanina nang sumakabilang buhay ito sa isang ospital sa Quezon City.

Dagdag pa ni Santos, nagpapasalamat sila sa mga taong nag-alay ng dasal at suporta habang nakikipaglaban si Nimedez sa sakit na leukemia.

Nauna rito, inihayag mismo ni Nimedez sa kanyang vlog sa youtube na siya’y lumalaban sa sakit na leukemia, at buo ang loob na malalagpasan ito.

Nagsimulang mag-vlog si Nimedez taong 2011, at namayagpag ang karera taong 2017 dahil sa mga parody videos nito.

Samantala, sa kaparehong post nanawagan din ang girlfriend ng sikat na vlogger na si Emman Nimedez sa publiko na hayaan muna silang bigyan ng pribadong oras para magdalamhati sa pagpanaw ni Nimedez, at asahan aniya na kanila ring i-aanunsyo ang iba pang detalye kaugnay sa paghihimlay dito.