Visa services sa U.S.A. kanselado dahil sa COVID-19

0
24

Pansalamantala munang sususpindihin ng Estados Unidos ang lahat ng visa services nito sa maraming bansa sa mundo dulot pa rin ng coronavirus disease 2019(COVID-19).

Ito ang inianunsyo ng tagapagsalita ng State Department.

Hindi naman idinetalye ng State Department ang eksaktong bilang o kung anu-anong mga bansa ang maaapektuhan ng naturang hakbang, ngunit target anilang itigil na o bawasan ang kanilang sine-serbisyuhan.

Samantala, taong 2019 nang mag-isyu ang Amerika ng higit 9.2-milyong immigrant at non-immigrant visa sa kanilang mahigit 160 foreign missions sa iba’t ibang bahagi ng mundo.