Visa na ibinigay kay Guia Castro kinansela na ng US authorities

0
26

Kinansela na ng U.S authorities ang visa na ibinigay sa tinaguriang “drug queen” na si Guia Gomez Castro.

Ipinabatid ito ni Justice Undersecretary Markk Perete ay kasunod na rin ng kanilang kahilingan.

Sinabi ni Perete na nakikipag ugnayan na ang Bureau of Immigration sa US immigration authorities para sa agarang deportation o pagpapabalik sa Pilipinas ni Castro. — ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)