29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

VIP treatment kay ex-Calauan mayor Sanchez binatikos ng pamilya ni Allan Gomez

- Advertisement -

Binatikos ng pamilya ni Allan Gomez ang tila umano’y VIP treatment kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa New Bilibid Prison.

Ito’y matapos kumalat sa social media ang larawan ni Sanchez suot ang naiibang uniporme sa loob ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Oliver Gomez,  kapatid ni Allan, isa sa mga ipinapatay ni Sanchez,  kanilang iginagalang ang mga batas sa Pilipinas kaya’t nais nila ay matupad ang sentensya kay Sanchez na mabulok sa bilangguan

‘’Itatanong po natin kung ano ang proper decorum ng isang preso sa isang bilibid. Tama po ba yung suot niya? Eh di isa din pong ground siguro yun. Paglabag po yun sa mga alintuntunin ng BuCor kaya nga po sila naka orange or kahel na uniporme para pare-pareho sila at malaman na preso. Eh, pag ganoon po ang postura ng isang tao sa loob ng isang piitan, ano pong iisipin natin? Ano ba ito? Iba siya.’’ — Pahayag ni Oliver Gomez, kapatid ni Allan Gomez na isa sa mga ipinapatay ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -