Villar at Poe nangunguna pa rin sa senatorial survey ng SWS

0
57

Nangunguna pa rin sina Senator Cynthia Villar sa mga senatorial candidate sa pinakabagong Social Weather Stations survey, mahigit apat na buwan bago ang midterm elections.

Batay sa SWS survey, umani ng  62 percent si Villar na sinundan ni Senador Grace Poe, 60 percent; nasa ikatlo hanggang ika-limang pwesto naman sina dating senador at kasalukuyang Taguig City Rep. Pia Cayetano; Senators Sonny Angara at Nancy Binay na pawang nakakuha ng 40 percent ng voter preference; aktor at dating Senador Lito Lapid, 38 percent; Koko Pimentel at dating Senador Jinggoy Estrada na kapwa nakakuha ng 34 percent.

Pasok naman sa ika-siyam na pwesto si dating Interior Secretary at Senator Mar Roxas, 28 percent na sinundan ni  Ilocos Norte governor Imee Marcos, 27 percent.

Si Senador JV Ejercito ay nakakuha rin ng 27 percent na sinundan nina dating Senador Serge Osmeña at Sen. Paolo Benigno Aquino; dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dating Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Nakalusot din sina dating Presidential Political affairs Adviser Francis Tolentino at dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Isinagawa ang nationwide poll simula December 16-19, 2018 gamit ang face-to-face interview sa 1,500 respondents.