Vietnam-PH nagkasundo kaugnay sa pangingisda sa mga sakop na teritoryo

0
59

Nagkasundo ang Pilipinas at Vietnam na hindi aarestuhin ang mga mangingisdang lalampas sa kani-kanilang teritoryo.

Ito aniya ang naging kasunduan ng dalawang bansa kasunod ng pagbisita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Vietnam nitong nakalipas na linggo.

Ayon kay Lorenzana, dapat na bigyan lamang ng babala ang mga Vietnamese na mangingisda na makikita sa karagatang sakop ng Pilipinas gayundin naman ang Vietnam sa mga mangingisdang Pilipino na mapapadpad sa kanilang teritoryo.

Aniya, wala namang global positioning system (GPS) ang mga maliliit na mangingisda kaya uubra naman bigyang na lamang ang mga ito ng babala.

—-