Thailand nangangailangan ng aabot sa 200 guro

0
47

Aabot sa dalawang daang (200) guro ang kinakailangan ng Thailand para sa kanilang proyektong “English for All”.

Sa pakikipag pulong ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Education Minister ng Thailand, sinabi nito na nais nilang kumuha ng mga guro sa Pilipinas dahil kilala ang bansa bilang isang English speaking country.

Ayon naman kay Margarita Ballesteros ng international cooperation office ng DepEd, dumarami na ang bansang nais kumuha ng English teacher sa Pilipinas.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Ballesteros na nasa labing tatlong libong (13,000) Pilipino na ang nagtuturo ng English sa Thailand.

Sa ngayon nakatakda namang maglatag ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Philippine Overseas Employment Administration ng mga polisya para sa mga gurong nais magtrabaho sa nasabing bansa.

—-