Sunday, May 5, 2024

Mahigit P1-B halaga ng iligal na droga nasabat sa Alabang Muntinlupa

- Advertisement -

Isa punto isang (1.1) bilyong pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa isinagawang drug raid sa isang drug laboratory sa loob ng Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City, kagabi.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, tinatayang nasa 149 kilo ng shabu ang nakuha na itinago sa loob ng mga tea bags na inilalagay sa loob ng lata.

Naaresto naman sa bahay ang apat na Chinese na sina Chia Kian Kok 43-anyos, Wuyi 19-anyos, Go Kei Kei 40-anyos at isang Emmanuel Pascual 79-anyos.

Ang nahuling mga iligal na droga na nasa tea bag ay gaya ng mga nakukuha sa Thailand, Vietnam, Laos at Myanmar.

Sinabi ni Aquino na mabuting natunugan ng PDEA ang naturang laboratoryo ng iligal na droga dahil posibleng ready na for delivery ang mga nasabat na shabu.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img