Vice Mayor ng San Andres, Quezon pinagbabaril sa mismong bahay

0
45

Pinagbabaril ang Vice Mayor ng San Andres, Quezon sa mismong bahay nito. Nabatid na isang suspek lamang ang bumaril kay Vice Mayor Sergio Emprese na nasawi dahil sa tama ng bala sa ulo.

Si Emprese ay 20 taong naging alkalde bago naging Vice Mayor.

Iniimbestigahan na ang insidente partikular ang motibo sa nasabing krimen.