Vaping products tatanggalin sa sin tax bill

0
22

Aalisin na ang e-cigarette o vaping products sa sakop ng sin tax bill.

Ito ang inihayag ni House Ways and Means Committee chairperson Joey Salceda matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang total ban sa paggamit at pag-aangkat ng naturang mga produkto.

Ayon kay Salceda, tatangalin na ang mga vaping products sa panukalang naglalayong taasan pa ang buwis sa alak at sigarilyo.

Maging ang kasalukuyan aniyang umiiral na buwis sa vape ay tatanggalin na rin dahil hindi na umano ito kinikilala bilang binubuwisang produkto.