‘Vape’ ban ipatutupad ni Duterte

0
20

‘Nakamamatay’.

Ito ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte ang resulta ng ‘vaping’ kayat ipagbabawal na niya ito.

Maging ang importasyon ng mga gamit sa pag ‘vape’ ay kaniya ring iba-ban.

I will ban it, the use and importation, because it is toxic. Government has the power to issue measures to protect public health and public interest,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon pa sa pangulo, kaniyang ipapa aresto ang sinumang susuway sa kaniyang kautusan laban sa ‘vaping’.

Matatandaang noong Biyernes, Nobyembre 15, nang maitala ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng electronic cigarette or vaping-associated lung injury (EVALI) sa Visayas sa isang menor-de-edad na babae.