Kulang pa rin ang mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, hindi kasi magiging sapat ang mga public utility vehicles (PUV’s) dahil 50% lamang ng kapasidad ng mga ito ang pinapayagang makasakay.
Kaugnay nito, tiniyak naman ni Garcia na naka-standby pa rin naman ang libreng sakay ng MMDA para sa publiko.
Sa pagbabalik ng Metro Manila sa general community quarantine (GCQ), pinayagan na ang muling pagbabalik pasada ng mga tradisyonal na jeepney at mga UV express sa Metro Manila.
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na nasa kabuuang 12,443 na ang bilang ng mga tradisyonal na jeepney ang pinayagang magbalik operasyon sa may 126 na ruta.
Habang nasa 1,600 mga UV express din naman ang pinayagang makabiyahe.