Usapin sa senate presidency inaasahang matutuldukan ngayong araw

0
48

Inaasahang matutuldukan na ang anumang usapin sa pagka-senate president ngayong araw.

Ito ay dahil sa nakatakdang pulong ng mga incumbent at incoming senators ng 18th congress.

Ayon majority leader Miguel Zubiri, pag uusapan rin ngayong araw ang mga committee chairmanship at membership.

Payo ni Zubiri sa mga bagitong senador na magrelax lang muna dahil marami namang komite ang mababakante ng mga graduating senators.