Usapin ng same-sex marriage nananatiling bukas — law professor

0
23

Nananatiling bukas ang usapin ng same-sex marriage.

Ito ang pananaw ni Atty. DJ Jimenez, professor ng University of Sto. Tomas (UST) Graduate School of Law, dahil ibinasura ang petisyon hindi dahil sa merito ng kaso kundi sa teknikalidad.

Dahil dito, sinabi sa DWIZ ni Jimenez, na maaari pa ring dumulog sa korte ang sinumang magpartner na pareho ng kasarian na malalagay sa alanganin sakaling mag-apply halimbawa ng marriage license.

(Ratsada Balita Interview)