US nakakalap ng matibay na ebidensya VS China dahil sa COVID-19

0
14

Nakakalap ng matitibay na ebidensya ang Amerika na nagpapakitang galing sa isang laboratoryo sa Wuhan City ang virus na nagdulot ng paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ibinunyag ito ni US President Donald Trump kasabay ng bantang magpapatupad ito ng bagong taripa laban sa China.

Tinawag ni Trump na very powerful ang  hawak nilang ebidensya na magpapatunay na ang outbreak ay galing sa wuhan Institute of Virology.

Iniimbestigahan na aniya ng mga ahensya nila ang pinagmulan ng virus at kung ano ang ginawa ng China para maawat ang paglaganap nito sa iba pang mga bansa.