34.5 C
Manila
Monday, April 22, 2024

US iginiit na legal ang drone attack na ikinasawi ng Iranian General

- Advertisement -

Iginiit ni United States (US) Secretary of State Mike Pompeo na legal ang ginawang drone attack na pumatay kay Iranian General Qasem Soleimani.

Ayon kay Pompeo, lahat ng aktibidad na kanilang ginagawa ay sumasailalim sa complete legal review.

Aniya, kinokunsulta nila ang mga abogado lalo na sa mga ganitong kalaking desisyon.

Paniniwala pa nito, nagkaroon ng legal vetting bago pa man isagawa ang air strike.

Magugunitang ang pagkamatay ni Soleimani ang naging ugat ng pagtaas pa ng tensyon sa pagitan ng US at Iran.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -