29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

US hinimok ang Pilipinas na resolbahin agad ang kaso ni Maria Ressa

- Advertisement -

Hinimok ng Estados Unidos ang Pilipinas na agad resolbahin ang kaso ni Rappler CEO Maria Ressa.

Gayundin ang payagan si Ressa at ang Rappler na malayang makapag trabaho at mag-operate alinsunod sa tradisyon ng malayang pamamahayag sa Pilipinas.

Ayon sa tagapagsalita ng state department, kanilang ikinabahala ang ginawang pag-aresto sa isa sa mga kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nanawagan din ang Amerika sa pamahalaan ng Pilipinas na igalang ang freedom of the press at expression na siyang kinikilala ng dalawang bansa bilang pundasyon ng isang tunay na demokratikong lipunanan.

Magugunitang muling inaresto si Ressa pagdating pa lamang ng NAIA kahapon matapos namang magpalabas ng warrant of arrest ang Pasig City Regional Trial dahil sa kaso nitong paglabag sa ‘Anti Dummy Law’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -