US Embassy sa Maynila sarado sa September 2

0
41

Sarado ang tanggapan ng Embahada ng Estados Unidos sa bansa sa Lunes, September 2.

Ayon sa inalabas na abiso ng embahada, sarado ang kanilang tanggapan bilang paggunita sa Labor Day Holiday sa Estados Unidos.

Sarado rin ang lahat ng sangay ng opisina sa buong bansa.

Balik operasyon naman ang embahada sa Martes, September 3.