US citizens pinalilikas na sa Iraq

0
24

Ipinag utos ng US embassy sa kanilang mga mamamayan na umalis na sa Baghdad, Iraq.

Kasunod ito ng mas lalo pang tumitinding bakbakan sa naturang bansa.

Ayon sa ipinalabas na security alert ng embahada, sa lalong madaling panahon ay lisanin na ng mga American Citizen ang Baghdad sa pamamagitan ng Airline o kaya naman ay dumaan sa kalapit na bansa via land travel.

Pinagbawalan naman ang lahat ng mamamayan ng Amerika na magtungo sa Iraq, iwasan ang pagtungo sa embahada ng Baghdad, at palagiang magmonitor sa balita.

Nanatili namang suspendido ang operasyon ng embahada ng Amerika sa sentro ng Iraq matapos ang ginawang Iranian–backed militia attack sa palibot nito.