University of Baguio nagbukas ng libreng legal assistance clinic

0
12

Baguio City – Pinamunuan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang seremonya ng pagputol ng ribbon at ang pagbabas ng University of Baguio’s Legal Assistance Center noong Viernes.

Sumama sa Justice secretary sa naturang okasyon si UB President Javier Herminio Bautista, School of Law Dean Atty. John Ray Libiran, at DOJ Undersecretaries na si Raul Vasquez at Jose Cadiz Jr. Sa Kanyang talumpati, binati ni Remulla ang University of Baguio sa pagbubukas nito ng legal assistance center, na kanyang sinabi na mahalaga sa legal na edukasyon.

Kanyang binigyang diin na ang legal assistance center ay mahalaga upang tulungan ng mga taga baguio nangangailangan ng tulong legal lalo na yong hindi makakayang magbayad sa mga serbisyong legal.

Naniniwala ang Secretary na ang legal assistance center ng UB ay magtatagal at lalago sa pamamagitan ng paaralan ng batas o school of law at magsisilbi ito sa maraming mamamayan.

Samantala, sinabi ng pangulo ng University of Baguio na si ginoong Bautista na ang Legal Assistance Center ay malapit sa Kanyang puso at ito ay magsisilbi sa sambayanan ng lungsod ng Baguio at maging ng kalapit na mga lugar dito sa Benguet. (Joel Cervantes | Jim Bernabe | PIA Cordillera, photo courtesy of PIA Cordillera)

Leave a Reply