Universal Health Coverage sinertipikahan bilang ‘urgent’ bill

0
50

Sinertipikahan na bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Universal Health Coverage Bill.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagdesisyon si Pangulong Duterte na sertipikahang urget ang naturang bill sa kanilang cabinet meeting sa Malacañang.

Setyembre noong isang taon nang ipasa ng Kamara ang bersyon nito ng panukalang batas habang nakabinbin ito sa Senado.

Sa ilalim ng house version, awtomatikong mapapabilang ang bawat Filipino sa national health security program upang matanggap ang lahat ng benepisyo kabilang ang inpatient, outpatient at emergency care services.

Nanawagan naman ang Palasyo sa mataas na kapulungan ng Kongreso na paspasan na ang pag-apruba sa nabanggit na bill para sa mas malawak na health at free hospital coverage ng mga mamamayan.

—-